WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Jackpot si John: Isabel katakam-takam alindog

Nagbunga ang pagwo-workout ni Isabel Oli, ha! Aba, nilantad nga niya ang katakam-takam na katawan sa latest Instagram post niya.

Kesehodang 40-anyos na at may tatlong anak sa asawang si John Prats, ay maglalaway ka talaga sa abs at hubog niya ngayon.

“Soooo here we are trying to enjoy the last week of the summer break before school starts. Let the good times roll,” caption ni Isabel.

Naka-white two piece bikini si Isabel habang nagtatampisaw kasama ang kanyang mga anak. May isang photo siya rito na kitang-kita ang well-toned body niya.

Actually, noong Agosto 6 ay may post na siya sa same resort, ngunit wala roon ang photo na solo shoot niya in bikini. Pero nitong Agosto 14 ay nire-upload nga niya ito.

Ano kaya ang reaksiyon ng asawang si John? Pero, napakapalad naman ni John sa pagkakaroon ng napakaseksi na asawa. (Batuts Lopez)