WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Green, Morant bakbakan

INUMPISAHAN na nina Draymond Green at Ja Morant ang batuhan matapos i-leak ni NBA insider Marc Stein ang balita na magtatapat ang Golden State at Memphis sa Christmas Day game ngayong 2022-23.

Tinalo ng Warriors ang Grizzlies sa pisikalang anim na laro sa second round ng huling Western Conference playoffs.

Highlights ng series: ejected si Green sa Game 2, nabalian ng siko ang teammate niyang si Gary Payton II, inabot ng injury si Morant sa Game 3 at hindi na nakalaro buong serye.

Umusad na sa Finals ang Warriors, hindi natapos ang Twitter war nila ni Morant.

“We got what we wanted Dray,” unang pukol ni Morant paglabas ng balita.

Sinagot ni Green: “That’s the power of your voice Young! Let’s goooo! Bring the fam to the crib for dinner after.” (Vladi Eduarte)