WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

DonBelle, KDLex ‘nangarag’ sa US tour

BEVERLY HILLS, CA. — Naku, Dondon (my dear editor), ang init kahapon sa California at hindi ko kinaya kaya naman pagkagaling namin ni Raymond Gutierrez sa reception ng baptismal ng apo ni Tita Mary Ann Opeña na si Kaws Cyprian, we decided na umuwi na lang.

‘Kaloka ang sobrang init, kaya natulog na lang ako at hindi na nakapunta pa sa grand coronation night ng Miss Philippines USA ng fashion designer na si Ms. Lou Razon sa Alex Theater in Glendale.

Sayang nga at hindi tuloy kami nagkita ni Tom Rodriguez na isa pa naman sa special guests sa event na ‘yon.

Anyway, as I write this, nandito na ang Star Magic artists na kasama sa ‘Beyond The Stars’, ang Star Magic US tour sa Saban Theater. By the time na binabasa n’yo ito, kasalukuyang nagsu-show na sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Carlo Aquino, Maris Racal, Alexa Ilacad, KD Estrada, Maymay Entrata, Edward Barber, Andrea Brillantes, Charlie Dizon, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Sab, Angela Ken, Janine Berdin, Lian Kyla at ang komedyanteng si Eric Nicolas.

Bale third and last show na ito ng Star Magic US tour at mag-uuwian na ang karamihan sa stars nila sa ‘Pinas.

Sabi ni Ms. Nerissa Fernandez ng TFC (The Filipino Channel), na siyang nag-ayos ng access pass namin para sa nasabing event para mai-cover nga namin ang show for Abante Tele-Tabloid, bago raw umalis ng San Francisco ang Star Magic stars (noong Friday evening sila nag-show roon), um-attend pa sila sa Pistahan sa SF event.

Pagod nga raw ang mga artista, pero masaya raw dahil nga matagumpay ang show nila sa San Francisco, huh!

Bongga!

Jerome, Katrina nagsalita na sa ‘Abante Tele-Tabloid’

Speaking of my Abante Tele-Tabloid, ang ‘Anything Goes’ na magse-celebrate na ng 4th anniversary next week, mamayang 2:00pm, abangan niyo po ang interview ko sa engaged couple na sina Jerome John Hughes at Katrina Ojeda.

Si Jerome ay naging part noon ng ‘SOP’ at nagkaroon din siya ng iba pang shows sa GMA-7. Si Katrina naman ang nanay ni Santino Nievera, ang bunso ng Concert King na si Martin Nievera.

Ang saya lang ng tsikahan namin nang makasama namin sila last week sa Las Vegas, Nevada!

Alcasid ‘dry cough’ sintomas

Kahapon ay nag-post si Ogie Alcasid ng antigen swab test niya at nag-positive nga siya sa COVID-19. Naku, live pa naman kahapon ang ‘ASAP Natin ‘To’.

Nang maka-Viber chat namin si Ogie, sinabihan namin siya na magpagaling at nag-thank you naman kaagad ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

May symptoms ba siya?

“Dry cough,” sey ni Ogie.

Let’s all pray na gumaling agad ang singer-songwriter!