WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Di pikon sa pagtaba’ Yassi nagpasalamat sa Abante

Sikat talaga ang Abante dahil marami sa mga star ang nagri-react sa mga panulat ng mga koluminista, lalo na sa entertainment section sa website.

Nabuking namin na nagbabasa pala ng Abante si Yassi Pressman dahil nag-react ito sa item naming lumabas kamakailan, na may titulong “Yassi Lumubo ang Tiyan, Lumapad ang Balakang.”

Sa Instagram ay nagsayaw si Yassi, gumiling nang todo habang nasa chrome ng pahina ng Abante kung saan nakabalandra ang aming column, at may background music na “Cozy” ni Beyonce.

Ang intensyon ni Yassi ay para ipakita sa lahat na hindi na isyu sa kanya kung nagdadag sya ng timbang o tumaba siya ng konti.

Ang nakakabilib lang sa aktres, hindi ito gaya ng ibang mga star na imbiyerna, galit, nagpatutsada, nayamot, dahil sa pamumuna sa mga pumapansin sa kanilang mga katawan.

Nagpahayag lang si Yassi sa post niya na nagwu-work out pa rin siya, at nagpasalamat pa ito sa itinuring niyang article.

“I’m comfortable in my skin, I’m cozy with who I am. Here’s a vid of me in the middle of a workout when I saw this. With no make up and my messy hair cause idc. Gurl, just do you booboo. Don’t let anyone tell you otherwise.

“COZY – by Kween @Beyonce.

“How about let’s read first the article that used this photo that talks about the platform that we provide more opportunities for the Filipinos? @playerseliteguild and all that’s coming. (Will throw it up in my stories) More than my tummy getting bigger & my hips getting wider. Cause women (and men) can be whatever size they wanna be. But thanks for the compliment,” sabi pa niya. (Rey Pumaloy)