WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

De Vega-Mercado dinumog ng tropa

MASAYA ang anak ni Asia’s Sprint Queen Lydia De Vega-Mercado na si Stephanie ‘Paneng’ Mercado- de Koenigswarter sa pagmamahal na natatanggap ng kanyang ina sa lahat, kabilang ang kapuwa dating mga atleta na dumalaw sa burol sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Dumating noong Sabado sina trackster Elma Muros-Posadas, taekwondo jin Manuel Monsour del Rosario III, swimmer Gilian Akiko-Thompson-Guevara at bowler, ngayo’y Philippine Sports Commisison Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo.

“Ang saya ko for my mom kasi nagkasama-sama sila ulit,’yun nga lang wala siya but definitely, nasa isip at puso natin ang mom ko,” ani Mercado- De Koenigswarter na dati ring indoor volleyball player.

Naging emosyunal si Muros-Posadas nang makita ang labi ni De Vega-Mercado at nagpahayag ng kanyang pagmamahal sa yumaong kaibigan.

“Diay, wala na akong magagawa, iniwan mo na kami. Habang mabubuhay ako nandito ka palagi sa akin na gagabay dahil ayan na ang nakagisnan ko eh. Mahal na mahal kita. Maraming nagmamahal sa’yo na atleta dahil modelo ka,” aniya.

Inalala naman ni Del Rosario ang kabaitan ng dating kapuwa manlalaro at bilis tumakbo.

“Nakita niya kami nagte-training sa umaga and one time, tinanong namin siya kung pwede namin siya makalaban sa karera. Talo kaming mga lalaki sa kanya, ang bilis talaga tumakbo,” pahayag ni Del Rosario.

Hinirit naman ni Thompson-Guevarra,na malungkot ang pagpanaw ni de Vega, pero nagpapasalamat siya sa Diyos para sa buhay ng yumao na naging inspirasyon sa nakararami. (Annie Abad)