WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Darna’ sumawsaw: Karla iniresbak si Ruffa kay KaladKaren

Matapos ang sabi-sabing banggaan ng opinyon nina Ruffa Gutierrez at KaladKaren sa Miss Q&A segment ng “It’s Showtime”, hayun at tila rumesbak si Karla Estrada para sa co-star niya sa “Maid In Malacañang”.

Nitong Sabado ay bumalik sa ‘Showtime’ si Karla bilang hurado sa Miss Q&A, kasama sina KaladKaren at ang bagong Darna na si Jane de Leon.

Nagi-intro pa lang si KaladKaren, sinabihan agad siya ni Karla na, “Ssshhh…sobrang lakas ng bati mo,” at makikitang medyo hininaan na nga ng una ang kanyang pagbati sa audience.

At nang makapagbigay na ng komento sa mga contestant si KaladKaren, umarte sina Karla at Jane na tila magwo-walkout.

“Sandali, saan pupunta si Jane…Queen Mother?” pag-awat ni Vhong Navarro.

“Kasali pa ba kami? Napaka-OA ng mga…” sey ni Karla habang bumabalik sa upuan.

“Masyadong ginagalingan, eh. Huwag na nga tayo dito, Ate Karla,” gatong naman ni Jane.

“Alam mo bakit hindi na lang pala ikaw ang mag-isa dito? Kayang-kaya mo naman eh,” hirit pa ni Karla.

“Alam mo, ginaganti niya talaga si Ruffa,” biro naman ni KaladKaren.

Na siyempre, sinagot agad ni Karla. “Ay naku, Ruffa. Eto na, nandito na ako para ipagtanggol kita…charot!”

Sa guesting ni Ruffa recently, kinontra ni KaladKaren ang posisyon ng anak ni Annabelle Rama tungkol sa unity nang sang-ayunan ng aktres ang sagot ng contestant. Para kasi umano sa komedyante, ang mga tao ay parang mga langgam, na kahit anong sipag, kung bulok ang sistema, ay hindi rin uunlad.

Malinaw na nasa panig ng UniTeam si Ruffa, at kakampink si KaladKaren. Si Karla ay ikinampanya ang Uniteam nitong Mayo.

Sa mga parinigan nilang ito, kahit sabihin pang biruan, ay lalong nati-trigger ang mga netizen na mag-away.

Ang iba, nagagalingan sa judging ni KaladKaren, at nakakabastos daw ang inasal ni Karla. Nadamay pa tuloy si Jane na nakisawsaw sa paandar ni Karla.

Sinisi tuloy ng iba na bakit daw gini-guest pa ng “Showtime” ang anila’y mga apologist at enabler na tumalikod na sa naipasarang prangkisa ng ABS-CBN. Masokista raw ba ang management? (Batuts Lopez)