WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Daquis, Cignal hablot tanso

PINAANGAS ni Rachel Anne Daquis ang koneksyon ng Cignal upang bidahan ang HD Spikers sa come-from-behind marathon game win kontra sa utol na PLDT Home Fibr, 17-25, 20-25, 27-25, 25-22, 15-5, at kopoin ang tansong medalya sa 5th Premier Volleyball League Invitational Conference sa MOA Arena sa Pasay Linggo ng hapon.

Rumatsada ng 16 points, 13 mula sa 13 atake, 2 blocks at 1 ace, sahog pa ang 14 excellent digs ang team para buhatin ang pilay na kampo, na sumabak wala ang numero unong kamador na si Frances Xinia ‘Ces’ Molina at ace middle blocker Ria Meneses dahil sa health at safety protocol.

“Grabe ang pinagdaanan namin. Parang Cignal vs sakit, never kaming nakumpleto, pero grabe rin ang puso namin kasi gusto talagang manalo kaya dinede-dedicate namin ito sa mga teammate, buong team at sa Cignal management,” bulalas ng 34-anyos na outside at open hitter.

“Dito namin nakita ang halaga ng bawat isa, kaya ‘yun ang nagbuo sa amin as team, as happiness. Sabi lang ni coach (Cesael Delos Santos) siya lang ang mag-feed ng instructions peo kami ang kikilos para manalo. Kaya trinabaho namin talaga,” hirit pa ni Daquis.

Sinandalan ng depensa ng winning squad si Roselyn Doria na bumutata ng siyam pa-14 puntos, umiskor ng 13 si Jerrilli Malabanan upang makaaisa ang Cignal sa High Speed Hitters tapo ng dalawang apat na set na mga olats sa semis at elims.

Nasayang naman ang kinayod ni Mika Aereen Reyes na 19 markers, 17 ni Dell Palomata, 14 ni Erika Santos at 11 ni Jules Samonte sa para sa PLDT. (Gerard Arce)