WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Contractor dinukot ng nagpakilalang mga pulis

Isang contractor ang dinukot ng hanggang anim na armadong suspek na nagpakilala pa umanong mga pulis sa bayan ng Kalilangan, Bukidnon noong Biyernes.

Kinumpirma rin ni Philippine National Police (PNP) Northern Mindanao spokesperson P/Lt. Col. Michelle Olaivar na humihingi ang mga suspek ng P2 milyong ransom sa pamilya ng biktiman si Engr. Abdel Fahar Mapandi, residente ng nasabing lungsod para sa paglaya nito.

Sinabi ni Olaivar na batay sa salaysay ng isang nakasaksi sa krimen, narinig niya ang mga suspek na nagpakilalang mga pulis nang pasukin ng mga ito ang bahay ni Omar Bayabao sa Malinao sa bayan ng Kalilangan kung saan natutulog si Mapandi bandang alas-tres ng madaling-araw. Pansamantalang nanunuluyan si Mapandi kay Bayabao habang may inaasikasong proyekto.

Isinalya umano ng mga ito ang biktima sa isa sa mga gamit nilang sasakyan at sumibat patungo sa direksyon ng Lanao del Sur.

Gamit ang cellphone ng isang suspek, nakontak ni Mapandi ang kanyang pamilya para sa hinihinging ransom ng grupo.
May kutob umano ang pamilya ng biktima na ang childhood friend at business partner ng huli ang utak sa pagdukot dito matapos silang magtalo sa bayad sa huli nilang proyekto.