WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

BNTV Cup 7-Stagfest Finals sa Big Dome

IHAHATAG ang pinakahihintay na salpukan sa kampeonato ng 2022 BNTV Cup 7-Stag Derby ngayong Lunes (Agosto 15) sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City tampok ang 150 maaksiyong labanan simula sa alas-12:00 ng tanghali.

Ang BNTV Cup ay isang pagbabalik sa ‘early bird’ na edisyon ng stag fighting kung saan ang mga stag ay pinalaki, inihanda noong Oktubre at Nobyembre, na-banded nitong Enero, at kalaunan ay lumaban noong Hulyo at Agosto.

Binuo at nasa promosyon ng cockfights television program hosts na sina Joey Sy & Eddie Boy Ochoa ng Bakbakan Na, kasama ang magkapatid na Joseph & Peter Chua at Cockfights Magazine publisher Wilvin Sy, nakahain sa BNTV Cup ang mga hindi malilimutang stag fighting mula noong una itong pinakilala at tuwina’y nakakalikha ng marka sa bilang ng mga kalahok sa bawat pasabong. (Abante Sports)