WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Baraquiel pang-12

NAKUNTENTO sa pagtabla sa lima para sa pang-12 puwesto si Sunshine Baraquiel sa wakas ng East Coast Women’s Pro Golf Tour 2022 Leg 12 Mizuno Cali Q-School Prep Series #2 sa Marriott’s Shadow Ridge Golf Club sa Palm Desert, California nitong Sabado (Manila time).

Sumabog ang nagkampeon sa isang yugto ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.)-10th Ladies Philippine Golf Tour 2022, sa six-over par 78 sa likod ng isang birdie laban sa tigdalawang bogey at double-bogey upang mabiyayaan pa rin ng $211 (P11,800).

Dehins nasustena ng 31-anyos Pinay na piloto mula sa Antipolo ang bangis sa opening kung saan bumira ng six-under 66 para sa isang palong kalamangan.

Pumang-apat si amateur Lois Kaye Go na nag-67 kasama ang tatlong iba pa na may 141 para magkamit ng $557 (P31K) bawat isa, samantalang nasa seven-way tie para sa 35th place si four-time LPGT champion Chanelle Avaricio (76-149). (Ramil Cruz)