WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Asian boxfest inalok sa Abap

INIALOK sa ‘Pinas ng Asian Boxing Confederation ang pagtataguyod sa 2023 Asian (32nd Men & 11th Women)) Elite Boxing Championships na magbibigay ngpagkakataong upang sumabak ang buong national team sa pangunguna nina 2020+1 Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Si ASBC president Pichai Chunhavajira ng Thailand ang nagparating ng bagay kay Association of Boxing Alliances in the Philippines president Edgar Genaro Picson para sa Okrubre 21-Nobyembre 2 ng susunod na taong kompetisyon. Pero ‘di pa tumutugon ang opisyal at nakatakdang paratingin ang kaganapan sa kanilang tagapangulo.

“This will cost quite a sum. I’ll submit a budget to our chairman Mr. (Victorico) Vargas and we’ll see if it’s doable. Under normal pre-COVID conditions, the tournament would bring in 300 to 350 boxers. But maybe this year, we’ll draw 250 to 300 from 25 to 35 countries. There will be 25 weight divisions for both men and women,” aniya nitong Sabado. (Gerard Arce)