WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘9 oras pumila’ Niana Guerrero super iyak, tili kay Billie Eilish

Pinuri ng mga netizen, fan, ang sikat na social media influencer na si Niana Guerrero (14.2M follower sa Instagram, 24M follower sa Facebook, 33M follower sa TikTok, 14.8M subscriber sa YouTube), dahil sa pagtyatyaga niyang pumila nang matagal na oras (umabot sa mahigit limang oras siyang nakatayo, nakapila), bumili ng mga merchandize, at siyempre manood ng concert ng idolo niyang si Billie Eilish.

Imagine, buong araw yata ng Sabado (August 13) ay ginugol ni Niana para sa idolo niyang si Billie. Kaloka ang pagmamahal niya sa sikat na sikat na singer na ito, ha!

Kung tutuusin, sa kasikatan ni Niana, kayang-kaya niyang gumagamit ng impluwensiya, para lang maka-VIP sa concert na ito ni Billie. Pero, mas ginusto niyang maranasan ang ginagawa ng mas maraming tao, na nagadaan sa tamang proseso.

“Oh my goshhhh! Where do I startttt?” maluha-luhang sabi niya, bago magsimula ang concert.

At sa mga kasunod na Instagram story ni Niana, maririnig ang malalakas na sigaw ni Niana, na fan na fan talaga, na paiyak-iyak pa habang tumitili.

“Happier than ever!”

“We hyped hyped!”

“She’s real!!! Ayan naaaaa!” sigaw ni Niana habang umiiyak nga.

Siyempre, memoryado ni Niana ang mga kanta ni Billie, na sinasabayan talaga niya ang kanyang idolo.

At lalong lumakas ang tili, iyak niya, nang sabihin lang ni Billie na, “Manila how you feelin?”

Pinakita ni Niana ang sarili niya na umiiyak talaga, tumigili, kasabay ang sigaw nang, ‘Billie, I love you sooo much!”

Anyway, sa mga kasunod na post ni Niana, wala ka nang maririnig kundi ang pagsabay sa kanta, pagsigaw, at puro ‘Oh, my gosh!’

Siyempre, dahil madatung naman si Niana, kaya hindi kataka-taka na masyadong malapit ang binili niyang tiket sa mismong stage ni Billie. Eh, wala nga siyang ginawa kundi ang mag-IG story ng mga ganap kay Billie, kaya feeling mo tuloy ay nanonood ka rin ng concert nito.

“When Billie says get low, get low, low!” chika pa ni Niana.

Lalo ring naluha si Niana nan gang sumunod na kanta ni Billie ay unang pagkakataon nga niyang inawit at sa Pilipinas pa.

Lalo ngang maririnig ang pagsigaw, pag-iyak ni Niana, ha!

Well, magandang impluwensiya nga si Niana, na hindi inaabuso ang kasikatan, na ninanamnam talaga ang pagiging fan niya, kahit medyo delikado talaga, dahil siya man ay sikat nga rin at dinudumog din ng mga fan kapag nakikita siya.

Pero, sa pagkakataon na `yon, pinaramdam niya na walang sikat-sikat, na lahat ay pantay-pantay pagdating sa pag-iidolo kay Billie.

Kung oorasan mo lahat-lahat ng ganap kay Niana, na mula 12:00pm ng Sabado ay nakapila na sa MOA, at nagsimula ang concert ng 8:00pm o sabihin na nating 9:00pm, na nakasanayan na, lumalabas na halos 9 na oras siyang nagtiyaga mapanood lang si Billie?

Bongga, di ba? Sobra-sobrang pagmamahal nga yon.

Well, iba nga ang mga fan ngayon, na kahit ang mga sikat na pesonalidad, nagagawang magtiis para sa kanilang mahal na idolo.

Anyway, nanood din ng Billie Eilish concert sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos.

At kay Niana, nakakabilig kang bata ka, ha!