WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

ERC kinalampag! Probinsya mas mahal kuryente kesa sa NCR

Kinalampag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Energy Regulatory Board (ERC) na bantayan ang galaw ng presyo ng kuryente sa bansa.

Kasunod ito sa rebelasyon ni Zubiri na mas mahal o mataas ang presyo ng kuryente sa probinsya kesa sa Metro Manila.

“Ang presyo ng kuryente umaabot na sa P16 to P18 per kwh sa probinsya. Sa Metro Manila P9 lang,” ayon kay Zubiri.

Tinukoy ng senador, sa Cagayan ay P15 per kilowatt hour habang sa Bukidnon P16 to 18 at maging sa Nueva Ecija ay P18.

“Paano po tayo aasenso bilang bansa, walang pupuntang negosyante sa probinsya dahil sa kamahalan sa kuryente,” ayon kay Zubiri.

Umaasa umano siyang matutukan at mabantayan ito ERC.

Kasabay nito ay naniniwala si Zubiri na panahon upang pasukin ang renewable energy. (Eralyn Prado)