WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Antique niyanig ng lindol

Niyanig ng isang magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Antique kahapon.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig alas-12:25 ng tanghali. Ang sentro ng lindol ay 20 kilometro southwest ng bayan ng Anini-y.

Naitala ang Intensity 4 sa mga bayan ng Anini-y, Tobias Fornier, at San Jose de Buenavista.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa Belison, Sibalom at Iloilo City. Samantala, naitala ang intensity 2 sa Bugasong, Barbaza at Patnongon.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala ang lindol. Gayunman, may posibilidad umano na magkaroon ng aftershocks. (MJD)