WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

74-anyos tsugi sa kandungan ng bebot

SA loob ng isang lodge inabutan ng kamatayan ang isang lolo kasama ang isang bebot sa Dasmarinas City, Cavite Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Romeo, 74, ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt George Fajardo, ng Dasmariñas City Police, alas-10:30 kamakalawa ng umaga nang mag-check in ang biktima kasama ang isang Mareville sa Dasma Lodge sa Mabuhay Commercial, Sitio Pintong Gubat, Brgy Paliparan 3, Dasmariñas City.

Ilang minuto lang ay nagpasaklolo si Rose nang mag-collapsed ang biktima.

Nang saklolohan sila ng Dasmarinas Rescue Team ay dedo na ang lolo.

Ayon sa anak ng biktima, nagmi-maintenance medicine na ang ama dahil sa sakit sa puso. (Gene Adsuara)