WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

74-anyos nagtapos ng elementarya

Kahit 14 na taon nang miyembro ng senior citizen, hindi naging hadlang sa isang lola ang kanyang edad dahil kahit 74-anyos na ay kasama ito sa 30 nagtapos sa isinagawang graduation ceremony ng Alternative Learning Center (ALS) sa Navotas City, nitong Biyernes.

Personal na kimayan at binati ni Lone District Representative Toby Tiangco si Urbana Senal Navarrete na nagtapos ng elementarya.

Sabi ng Kongresista hinahangaan niya si Lola Urbana dahil sa kabila ng kanyang edad sinikap nitong makapagtapos kahit elementarya sa pamamagitan ng ALS.

“Saludo po ako sa kanya (Lola Urbana) ‘ yung iba kasi ang madalas ikatwiran matanda na sila hayaan na lang sa mga apo ang pag-aaral,” ani Cong. Toby.

Kaugnay nito, nakiisa naman si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa isinagawang Brigada Pagbasa ng mga mag-aaral ng Kapitbahayan Elementary School.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataan sa lungsod na mawili sa pagbabasa.

“Mahalaga po na habang bata ay sanayin na po natin ang ating mga anak na magbasa. Sa pagbabasa, mas nahahasa at lumalawak ang kanilang imahinasyon at pagiging malikhain, ang kanilang critical thinking at problem-solving skills pati na ang kanilang personalidad at karakter”, anang alcalde. (Orly Barcala)