WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

50M nat’l ID puntirya ipamudmod ngayong 2022

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapaglabas ng 50 milyong Philippine Identification System (PhilSys) cards o National ID cards sa katapusan ng 2022.

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta, kanila nang pinabibilisan ang produksyon ng National ID cards upang makasunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Starting October, magra-ramp up kami together with BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) ng card production from around 80,000 [a day], tina-target namin starting October ma-increase siya sa 133,000 [a day],” pahayag ni Sollesta sa isang panayam.

Aniya, magsasagawa rin ang PSA ng roll out ng printable at digital versions ng National IDs upang maabot ang target na naipalabas na 50 milyong IDs sa pagtatapos ng taon.

Nabatid na sa kasalukuyang ay 71 million Pinoy ang nagrehistro na sa PhilSys, at nakuha na ang kanilang demographic at biometrics information.

Sa 17 milyong national ID cards na nagawa, 15 milyon dito ang naipadala na sa mga kinauukulan.

“By first semester of 2023, we will deliver 92 million combinations of physical, printable, and mobile IDs,” dagdag pa ng PSA chief. (Dolly Cabreza)