WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Sabong operator ligtas sa ambus, suspek niresbakan

Nakaligtas sa kamatayan ang isang sabong operator habang sugatan ang gunman na nagtakang mang-ambush sa kanya matapos niya itong resbakan at maputukan sa Tanauan City, Batangas nitong Huwebes.

Ayon sa report, lulan ng kanyang Toyota Fortuner si Mark Colin Reño, 30-anyos, nang sabayan siya ng naka-motorsiklong suspek at pinaputukan siya gamit ang cal. 45 pistol habang bumabagtas sa Barangay Darasa bandang alas-8:30 ng gabi.

Nagmintis ang suspek kaya naka­tiyempo si Reño na makaresbak at barilin ito sa sikmura gamit ang kanyang cal. 40 pistol. Tumakas ng naka-paa ang suspek na nakilalang si Federick Octaviom 23-anyos, pero natunton siya ng mga pulis sa CP Reyes Hospital kung saan siya nagpa­gamot ng sugat.

Ayon sa pulisya, lisensyado ang baril ng suspek. Inilipat ito sa Batangas Regional Hospital at hinihintay munang bumuti ang kanyang kalagayan bago siya isailalim sa interogasyon sa insidente.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on