WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

P46M puslit na yosi nasabat mula sa Singapore

Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Subic ang P46.28 milyon na halaga ng puslit na sigarilyo mula sa Singapore nitong Huwebes.

Kinabibilangan ito ng 1,122 master case ng Marvels Filter cigarettes na idineklarang mga tela.

Natuklasan din na bukod sa hindi rehistrado bilang locator ng mga foreign cigarette at tobacco product sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), wala rin sa listahan ng Registered Importers of Cigarette Brands ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang consignee nito na Proline Logistics Philippines Inc.

Dahil dito, nagpalabas si BOC district collector Maritess Martin ng warrant of seizure and detention laban sa kontrabando dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 3 at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization Tariff Act.

Noong nakaraang buwan, nakasabat din ang Port of Subic ng P84.97 milyong halaga ng kargamento mula sa parehong consignee.