WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Buhain isusulong Athlete’s Welfare Fund

TATLONG panukalang batas na magpapalakas sa kapangyarihan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusement Board (GAB) ang isusulong ni dating PSC at GAB chairman, Congressman Eric Buhain.

Nais ni Buhain na mabigyan ng sapat na kapangyarihan ang PSC at GAB sa aspeto ng pangangasiwa at pananagutan sa mga nasasakupang asosasyon, habang tinitiyak ang seguridad at karagdagang mga insentibo sa mga atleta at coach.

“Ang sports ay karapatan ng bawat Pilipino at hindi isang pribilehiyo para sa ilang indibidwal o grupo. Hindi para sa mga miyembro lamang o club affiliation lamang. Kailangan nating mabigyan ng tunay na pagkalinga ang ating mga atleta at pananagutin ang mga sports association na talagang nagpapabaya sa kanilang mga responsibilidad,” ayon sa Kongresista ng District 1 ng Batangas na si Buhain sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

“Nagpapasalamat ako sa aking mga kasamahan sa Kongreso at nabigyan ako ng pagkakataon na maging co-chairman ng Youth and Sports as well as the Games and Amusements Committee. Right now, with the help of my former colleage, sportsmen and friends, nabuo namin itong three priority bills na ipo-propsosed ko sa Kongreso,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Buhain na isusulong niyang muli ang House Bill 8910 (An Act to Strengthening the Games and Amusements Board) na may pangunahing layunin na magtatag ng ‘Athelete’s Welfare Fund’ para sa mga retiradong propesyonal na atleta.

Ang nasabing panukala ay lubos na naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng 17th Congress noong 2019.

“Napakaimportante ng bill na ito dahil nakapaloob din dito ‘yung power to prescribe rules sa regulation and supervision ng sabong, e-sabong, esports and other pro sports. Mas mabibigyan natin ng ngipin ang GAB para masawata yung mga illegal bookies and other activities within pro sports,” pahayag ni Buhain sa weekly sports session na itinataguyod ng PSC, Games and Amusement Board at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). (Annie Abad)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on