WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

2 Nigerian national, Pinay timbog sa bank scam

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang Nigerian national at isang Pinay makaraan silang makapag-withdraw ng mahigit P1 milyong cash mula sa na-hack nilang account sa San Pedro City, Laguna noong Miyerkoles.

Kinilala ang mga suspek na sina Gladys Rias Francisco, 47-anyos, biyuda at mga Nigerian na sina Samuel Nomso Esomchi, 40-anyos at Taye John Bamidele, nasa wastong edad,

Sa ulat ng pulisya, dinakip si Francisco sa isang branch sa China Bank sa Barangay Nueva, San Pedro City, Laguna nang tangkain nitong mag-withdraw ng P400,000 cash habang sa harap ng Petron Gas Station at Robinson’s Galleria South naman naaresto ang dalawang Nigerian bandang alas-dos ng hapon.

Nauna rito’y nakipag-ugnayan muna ang nasabing sangay sa China Bank sa Carmona, Cavite para sa inter-branch withdrawal kung saan ay natukasan na na-hack ang nasabing account at posible itong magamit sa pekeng transaksyon. Dahil dito’y agad na inalerto ng bank manager ang kanilang security para makipag-ugnayan sa pulisya. Naimpormahan na rin ng China Bank sa BGC, Taguig City ang sangay sa Carmona na na-hack ang naturang account na pag-aari ng kababayan ng dalawang Nigerian.

Ikinanta ni Francisco ang dalawang Nigerian na nagresulta sa pagkakarekober sa P1,400,000.00 cash na nauna nilang na-iwithdraw. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on