WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Derby ni Canedo astig mga kalahok

NAGSAAD ng pagsali ang mga tigasing breeder at sabungero sa “RC Warriors Davao 6-Stag Derby” kaya tiyak na mapapalaban ang mga panabong nina Ka Rex Cayanong at Dennis Samson.

Magsisimula ngayong araw ang pa-derby ni Rey Canedo na gaganapin sa state-of-the-art RIPER Sports Sta. Rosa Mega Cockpit sa Laguna, magsasanib-puwersa sina Cayanong at Samson gamit ang entry name na ‘Sabong On Air/Tito Den Jepoy’.

Pakay ni Cayanong na masilo ang pang-limang kampeonato ngayong taon habang ang ‘Tito Den RM Jepoy’ ang nakasungit ng solo championship sa nakalipas na “Basagan ng Pula Derby” kasama si Ramon Mansenares.

Higit 40 ang mga lalahok kabilang sina Charlie “Atong” Ang, RJ, Richard Perez, Edwin Tose, Art Atayde, Bryan Montalbo at Budjit Aguilar.

Mga WPC-banded (Early Bird) na may timbang na 1.7 kgs. hanggang 2.2 kgs. lang ang puwedeng makasali sa event na P55,000 ang pot money at P55,000 din ang minimum bet.

Para sa reservation ng mga cockhouse, makipag-ugnayan lamang kina Dennis (09773477300) at Bonjing (09213974577). (Elech Dawa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on