WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Sara kay Walden: Huwag kang obsessed sa akin

Pinalagan ni Bise Presidente Sara Duterte ang paratang na siya ang utak sa pag-aresto kay Walden Bello sa salang libelo.

Kamakalawa ay inaresto si Bello sa kasong libel at cyber libel na inihain ng dating information officer ng Davao City na si Jefry Tupas. Ngunit itinuro ni Bello si Duterte bilang dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Umalma naman ang bise presidente at naglabas ng pahayag kahapon.

“Instead of deflecting blame, playing the victim of an imaginary case of political persecution, and dragging me into his legal woes, I suggest that Mr. Bello be reminded of the fact that a civilized and democratic society does not respect hubris. The right to freedom of speech and expression does not protect anyone from defiling the name and reputation of others,” saad ni Duterte.

Wika pa ni Duterte, ang pinapakitang ugali ni Bello ay hindi dapat tularan ng mga bata sa kanilang paglaki. Hiniling din niya rito na tigilan na ang pagiging ‘obsessed’ sa kanya.

“Mr. Bello should focus on salva¬ging what remains of his dignity and self-respect, I am asking him to stop obsessing over me – and stop blaming me for his fall from grace,” dagdag pa ng bise presidente.

Matatandaang nagtapat sa vice presidential race nitong eleksyon sina Bello at Duterte. Sa gitna ng kampanya ay walang humpay ang banat ni Bello laban kay Duterte. (Eralyn Prado/Joven Delantar)