WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Reyes, PLDT silat sa Taipei

Mga laro sa Biyernes: (FilOil EcoOil Centre)
4:00pm — Creamline vs Taipei King Whales

KARTADA panalo na, natalo pa!

Nabalewala ang 12-8 bentahe nina Mika Reyes at ng PLDT High Speed Hitters sa deciding fith set, nanlamig sa depensa kaya nalasap ang 25-23, 20-25, 23-25, 25-20, 15-13 pagkabigo laban sa KingWhale Taipei sa solo semifinals na aksiyon ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference, Martes, sa Mall of Asia Arena.

Sa hindi inaaasahang pagkakataon ay tila inuukit ng tadhana na maitala ni Mika ang kanyang ika-limang service error upang malubog sa ikalawang sunod na pagkatalo ang PLDT High Speed Hitters.

Nabalewala ang pinagtrabahuhang kalamangan ng PLDT sa fifth at deciding set matapos mabura ang apat na puntos na kalamangan sa 12-8 nang bumira ng 7-1 run ang KingWhale sa pangunguna nina Chen Jun Li at Tsai Qin-Yao upang maitakas ang ikalawang sunod na panalo para sa solo second place, habang nalaglag sa 2-2 kartada ang PLDT sa third place.

Naging malaking tulong para sa KingWhale ang trabahong ipinakita ni Chen Chieh ng magandang depensa sa 24 excellent digs, 8 receptions, kasama ang 11 puntos mula sa 11 atake.

Pinagbidahan naman sa puntusan ni Beatriz Flavio de Carlvaho ang KingWhale sa 19 puntos mula sa 15 atake, 3 blocks at 1 ace, habang nagdagdag si Jun Li ng 13 markers at 14 receptions.

“We just did our best, whatever it is just to get the win in the final set,” wika ni Chieh matapos ang laro.

Nabulilyaso naman ang ginawa ni Dell Palomata na 19 points, habang nag-ambag si Reyes ng 17 marka.

Si Jules Samonte ay tumipa ng 16 points, habang si Jovelyn Prado ay mayroong ambag na 11 puntos.

Nagawang maitakas ng PLDT ang panalo sa 25-23 first set kahit na inulan ito ng errors galing sa services mula 8 sa 11 errors na naitala. Nangibabaw pa rin ang 14 na atake ng PLDT na pinagbidahan ni Reyes.

Nakabawi naman ang KingWhale sa sumunod na set nang magpatuloy ang pag-ulan ng errors ng PLDT na umabot sa walo upang mawalang saysay ang 16 atake na naisalpak.

Napaabot pa ng KingWhale ang kalamangan sa 18-10 mula sa isa na namang error.

Pumalo ng 4-0 run ang PLDT mula kina Prado at Samonte, subalit gumanti ng 3-1 run ang KingWhale para sa 24-17, siinubukang buhayin pa ni Samonte ang paghahabol sa 3-0 un subalit tinapos na ito ni Carvalho para sa 1-1 iskor. (Gerard Arce)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on