WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Paragua, Pilipinas binokya Guatemala

PINANGUNAHAN ni GM Mark Paragua ang Philippine men’s team sa pagbokya sa Guatemala, 4-0, sa 10th at penultimate round ng 44th World Chess Olympiad na nilaro sa Chennai, India Lunes ng gabi.

Pinisak ni dating Super Grandmaster Paragua si IM Carlos Flores Juarez matapos ang 32 moves ng Slav sa board 1 upang tulungan ang men’s team na ilista ang 12 match points at sumalo sa 41st place.

Nagwagi din sina GMs Rogelio “Banjo” Barcenilla, John Paul Gomez at Darwin Laylo sa boards 2, 3 at 4 ayon sa pagkakasunod sa event na ipinatutupad ang 11 rounds Swiss System.

Tinalo ni Barcenilla si IM Wilson Estuardo Lorenzana, pinagpag ni Gomez si FM Eduardo Dastin Galvez at giniba ni Laylo si David Emanuel Giron Chavez.

Makakalaban ng mga Pinoy woodpusher sa 11th at last round ang No. 3 seed Norway na pinangungunahan ni reigning world champion GM Magnus Carlsen.

Pero hindi maglalaro si Carlsen kaya ang makakalaban ni Paragua ay si Super GM Aryan Tari na may ELO rating na 2672.

Kailangan manalo ng Pilipinas upang mapaganda ang kanilang team standings maging ang kanilang individual ratings. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on