WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Maggie marami pang pasabog vs ex-dyowa

Patuloy si Maggie Wilson sa paglalabas ng ilang ebidensiya sa kanyang Instagram stories. Mga ebidensiya na mabilis isipin ng mga netizens na sa kabila ng adultery case na isinampa sa kanya ng estranged husband na si Victor Consunji, diumano’y during their marriage ay meron na itong ibang babae.

Ang Instagram handler na Rachel Carrasco ang madalas na nasa IG stories ni Maggie at source niya ng mga sightings ng dalawa.

Ipinost din ni Maggie ang IG stories nito na may caption na, “”Fridate” at makikita ang tattoo sa daliri na same tattoo ng kay Victor. Gayundin ang panahon na pinutulan ng kuryente ang conjugal house nina Maggie at Victor, pero magkasama ang dalawa habang masayang nagpa-party.

At tila may warning din si Maggie sa kanyang IG stories na kung akala raw ay nilabas na niya ang lahat ng alas o ebidensiya niya, parang sinasabi niya na wala pa ito sa mga hawak o alam niyang talaga about the father of her son.

Aniya, “If you think I’ve split the tea. Honey, I haven’t even began to boil the kettle yet.” (Rose Garcia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on