WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Magaling, mapagbigay siya’ Mga ‘babae’ ni Coco lumantad na

Nagpahatid ng mensahe ang mga naging ‘babae’ sa buhay ni Cardo Dalisay (Coco Martin) na sina Yassi Pressman, Maja Salvador, Bela Padilla para sa nalalapit na pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong Biyernes (Aug. 12).

Sa tatlong video na inilabas ng Dreamscape Entertainment, binalikan ng tatlong babae ang naging karanasan nila sa serye at labis din nilang pinuri ang dati nilang co-star na si Coco.

“Si Coco as a leading man is probably one of the best leading men ever. Hindi niya iniisip ‘yung sarili niya. Hindi siya selfish. Iniisip niya lagi kung paano ka niya tutulungan, paano niya mapapaganda ‘yung eksena. And for me, I think that trait is very, very generous,” sey ni Yassi na naging huling asawa ni Cardo sa serye.

Para naman kay Maja, kahit mabilis lang daw ang naging partisipasyon niya sa serye, super special para sa kanya ang kanyang karakter.

“Ang dami ngang mga bagong character na pumapasok at lahat naman noon parang ang gaganda ng mga resulta ng nagiging kwento. Never kong malilimutan ‘yung character ko… Congratulations dahil nakagawa ka ng isang napakaganda at napakatinding teleserye at talagang hindi malilimutan ng bawat Pilipino,” sabi naman ni Maja.

Pinuri naman ni Bela ang pagiging magaling na direktor ni Coco. Sey nga niya, deserve ni Coco na magpahinga pagkatapos ng lahat ng hardwork na binuhos niya sa loob ng pitong taon.

“Pinakita mo sa lahat kung gaano ka ka-talented hindi lang bilang artista pero bilang creative force. Dito ka na talaga nahasa as a director. I’m excited na mapanood pa lalo ang mga susunod mong gagawin after nito,” sabi pa rin ni Bela.

“Sana proud ka rin sa sarili mo, ‘yun ‘yung pinaka-importante. Sana sa mga coming months magpahinga ka ng maayos. Lahat ng sakit, lahat ng suntok, lahat ng action scenes na ginawa mo bilang Cardo ay I think deserve na deserve mong magpahinga,” dugtong pa ni Bela.

Nakakalungkot ngang isipin na magtatapos na ang seryeng gabi-gabing tinututukan ng mga Pilipino. Bukod sa maaaksyong bakbakan, talagang inabangan ang nakakaantig na mga kwentong tungkol sa pamilya at pag-ibig.

Pero kahit magtatapos na ang “Ang Probinsyano,” panibagong serye naman ang aabangan at tututukan ng mga Pilipino sa paglipad ni Jane de Leon bilang Darna. (Dondon Sermino)