WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Kai, SBP tuloy usapan sa Gilas

GUSTO pa rin sumabak ni Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas na nakatakdang sumabak sa FIBA Asia Cup runner-up Lebanon sa Beirut sa ika-25, at pagkatapos ay magho-host sa Saudi Arabia sa ika-29 ng Agosto sa Mall of Asia Arena.

Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director at Spokesperson Sonny Barrios sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes na ang SBP ay nakikipag-usap pa rin sa batang sentro na si Sotto, na nakatakdang maglaro ng isa pang season kasama ang Adelaide 36ers sa NBL Australia.

“Gusto niyang lumaro sa Gilas, but we’re still talking to him,” sabi ng SBP spokesperson sa forum na presentado ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“Nawa’y maging positive ang sagot ng kampo ni Kai sa ating panawagan.”

Sinabi ni Barrios na kailangan ng binubuong Gilas Pilipinas ang tulong ng matataas na manlalarong katulad ni Sotto upang mas matulungan ang paglalaro ng Filipino-American na Utah Jazz guard at dating NBA Sixth Man of the Year na si Jordan Clarkson.

“Your country needs you,” sabi ni Barrios. “Sabi ko nga sa anecdote ko about Marlou Aquino, noong kailangan siya ni national coach Joe Lipa, sinabihan siya ng tatay niya na nasa probinsiya na maglaro para sa national team na agad nito ginawa. Sana magawa din ng kampo ni Kai pagbigyan na maglaro muli para sa bansa,” sabi nito. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on