WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

‘Hiwalay na?’ Heart binasura Escudero sa ig

Tila blind-item sa iba, pero pinapangalanan naman ng iba.

Naba-blind-item kasi na isang high profile couple ang diumano’y on the rock ang marriage o diumano’y mukhang hiwalay na.

Kung babasahin ang mga comment ng mga netizen, “sina keso at puso ‘yan.” “Heart and Chiz” ang pagbibigay pangalan ng ilang netizen.

Tapos, nakokonek pa ang pagpapalit ng Instagram handler ni Heart. Kung dati ay Love Marie Ongpauco-Escudero, ginawa na lang niya itong Love Marie.

May mga obserbasyon din daw na noong GMA Gala, parang hindi naramdaman sa mga photo, video nilang dalawa ang dating sweetness na meron sila kapag magkasama.

Bukod sa nang mag-post si Senator Chiz ng larawan nila sa gala at sa caption nito mentioning Heart, para raw masyadong formal na at hindi rin nag-react man lang si Heart dito.

May comment nga na, “Sen… Parang wala na po spark sa mata ni Heart ng happiness. Ang pinakamahirap na gawin ng mag-asawa or magkarelasyon ang magpanggap na OK sila at masaya sila. Kahit gaano pa kaganda ng make-up sa babae, lumalabas pa rin ang totoong nararamdaman… Parang may distance na po.”

“That’s why she’s staying in Paris for a little while or I mean stayed in Paris for a little while.”

“Parang wala na yung love tattoo ni Heart na penmanship ni Chiz, parang pinatungan na ng bagong design. Sana mali tingin ko.”

“Sa comment section ni Heart once na nag-comment ka at na-mention mo si Chiz, hindi na makikita mababasa komento mo Selective. Oh no.”

Pero sa isang banda, kapansin-pansin din naman na kung nagpalit man ng Instagram handler si Heart, nando’n pa rin naman ang description niya sa sarili na “Wife” at they still follow each other. Maging ang Twitter account ni Heart ay intact pa rin na Love Marie O. Escudero ang Twitter name.

Personally, wish namin na hindi totoo ang mga haka-haka sa kanilang dalawa. Wish namin na maging successful ang marriage life nila. At kung meron man nga silang pinagdadaanan, sana ay magawa nila itong maayos at mapagtagumpayan.

At kung mababasa ang comment din ng mga netizens at mga fan nila, puro “sana hindi” at “sana hindi totoo” ang hangad ng karamihan.

Andrea hindi nag-inarte sa palengke

Masayang namalengke si Andrea Torres kamakailan. Laking Pasay raw siya kaya sanay siya noong bata pa lang na kasama ng nanay niya at sa Cartimar namamalengke.

Napahanga lalo ng Kapuso actress ang mga netizen dahil sa pagiging simple at down-to-earth daw nito sa napanood sa part 1 ng kanyang YouTube vlog.

Nagi-enjoy raw ang mga netizen na panoorin ang vlog ni Andrea dahil wala raw itong mga pretensiyon at napaka-simple lang. Bukod sa ibinigay na lang niya ang biniling kakanin sa namamalimos dahil wala raw siyang barya, bet namin ‘yong hindi na ito makapaghintay na sa bahay kainin ang binili niyang kakanin, naupo sa isang side ng market at excited na agad na kinain.

Pang-sea food kare-kare ang biniling menu ni Andrea sa palengke at napaka-friendly nito sa mga tindera. Na kung kilala rin naman talaga si Andrea in person, masasabing hindi put-on ang ipinapakita niyang kabaitan kahit sa vlog niya.

‘Yun nga lang, inamin ni Andrea na noong bata siya, may kalokohan din. Inamin na pinipindot ang mga mata ng isda sa palengke, huh!

Halos puro positive ang mga comment sa vlog niya. Nandiyang, “Nakaka happy ka panoorin for today’s video. Sobrang simple. Very approachable. Walang intimidating factor. Such a genuine human being.”

“More contents, Ate Ada! Nakaka-feel good panoorin lahat ng contents mo. Ang saya saya lang!!! nagra-radiate yung positive aura sa viewers hihi.”

Sanya problemado sa datung

Aliw ang birthday message ni Jak Roberto sa kanyang kapatid na si Sanya Lopez. Bukod sa second photo na pinost niya ay picture ni Jak ang pinost na naka-make-up at nakadamit pambabae.

Pero sa caption ni Jak, binuko nito na namomroblema raw si Sanya kay Judith. Eh, ‘pag sinabing “Judith,” meaning mga bayarin or bills. Kaya wish niya rito, more success pa para hindi raw mamroblema.

“Happy Birthday sa nag-iisa kong kapatid! More more success pa ang wish ko sayo para di ka na mamomroblema kay Judith.

“Congrats sa bago mong blessings deserve mo lahat ng nakukuha mong biyaya dahil alam ko kung gaano mo pinaghirapan lahat ng yan. Nandito lang kaming lahat sayo nakasuporta, stay humble and stay blessed! Hayyy bidabida.”

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on