WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Guce sasakyan si Namayan

MAGTATAMBALAN ang kabayong si Namayan at si class A rider Jessie Guce pagsalang nila sa magaganap na Philracom Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Inasahang mapapalaban si Namayan kontra apat na tigsing kabayo sa karerang may distansiyang 1,200 metro.

Sisikapin ni former Philippine Sportswriters Associaation (PSA) Jockey of the Year awardee Guce na maipanalo si Namayan upang hindi mabigo ang kanilang mga tagahanga.

Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Dragon Butterfly, The Accountant, Stella Malone at Magnificent Lady.

Nakalaan ang added prize na P45,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, habang hahamigin naman ng winning horse owner ang karagdagang P10,000 premyo.

May pitong races ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya, magsisimula ang karera sa alas-6:15 ng gabi. (Elech Dawa)