WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Gabby, KC magsasama sa concert

The other day ay nag-post ng picture nila ang mag-asawang Imee Ong at Richard Maghanoy kasama si KC Concepcion.

Kuha ‘yon sa Temecula Wineries sa Temecula, California. Actually, maraming nagpuounta sa lugar na ‘yon tuwing weekend para mag-wine tasting.

Four weeks ago ay nandoon din ang mag-asawa at kasama naman nila si Pops Fernandez.

Anyway, malapit si KC kina Imee at Richard dahil siya ang image model nila sa iSkin Med Spa Beverly Hills.

Mukhang magtatagal pa sa LA si KC dahil may sarili naman siyang lugar doon.

Teka! Nasa Amerika rin ang tatay ni KC, si Gabby Concepcion, next week, magkikita kaya ang mag-ama?

May narinig kami na isang concert producer sa LA ang gusto silang gawan ng show, nakausap na kaya ang mga management team nila?

Well…

Pops tutok sa ‘Four Kings’

Anyway, I mentioned Pops na rin, super busy ngayon ang Concert Queen sa pagma-market ng ‘Four Kings and a Queen’ Manila concert nila nina Marco Sison, Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, Rey Valera.

Si Pops kasi ang isa sa mga producer ng concert na ‘yon sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila on August 26 & 27.

Bukas nga ay may pa-presscon sila and yes, I’m back, Dondon (my dear editor), dahil ayaw pumayag ni Pops na hindi ako ang mag-handle noon, kaya biglang nabago ang schedule ko.

Anyway, marami na rin namang ganap ngayon dito sa showbiz, kaya tama rin naman na umuwi muna ako

Katuwa ang mga fan ni Pops dahil grabe nila kung i-promote ang ‘Four Kings and a Queen’, huh!

Bongga!