WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Cynthia Villar sapol ng coronavirus

Sa loob lang ng isang linggo ay tatlong senador na ang tinamaan ng COVID-19 kung saan pinakabagong nahawaan ng virus ay si Senadora Cynthia Villar.

“We just like to put on record that our distinguished colleague Senator Cynthia Villar had tested positive today for COVID-19,” pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos mag-roll call sa plenaryo.

“We would like to wish her well and pray for her speedy recovery and for all our members also to be extra careful in this time where COVID is still surging,” dagdag pa niya.

Kahit na nagpositibo sa COVID-19, nakadalo pa rin sa sesyon si Villar sa pamamagitan ng online.

Noong Agosto 3, nagpositibo rin sa COVID-19 si Senador Alan Peter Cayetano. Nitong Lunes, inihayag din ni Zubiri na nahawaan din ng virus si Senadora Imee Marcos. (Dindo Matining)