WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante KARTADA

Cong hinarang, nagwala sa Senado

Sino raw itong miyembro ng Lower House ang nagwala sa Senado matapos na hindi makilala nang bumisita ito sa kapulungan kamakailan?

Ayon sa tinimbre ng ilang Marites kay Mang Teban, nagalit daw ang hindi kilalang kongresista nang harangin siya sa lobby ng Senado ng mga miyembro ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA).

Tinanong kasi ng OSAA ang mambabatas kung may appointment ba ito sa Senado. Dahil napahiya at hindi siya nakilala, nagtaas agad ng boses ang kongresistang ito at sinabing bibisitahin niya ang ilan sa mga senador.

Sinabihan siya ng OSSA personnel na magfill-up muna sa visitor’s log book pero lalong nag-init si congressman at tinawagan ang mga kakilala niyang senador upang magsumbong na hinaharang siya sa lobby.

Wala namang nagawa ang mga pobreng OSAA kundi papasukin na lang ang mambabatas na ito dahil sa takot na mapag-initan sila ng mga senador. Pati ang ilang kawani ng Senado na napadaan sa lobby, nagulat at nadismaya sa inasal ng kongresista.

Pintahan n’yo na. Ang maangas na kongresista ay mula sa kilalang angkan sa Luzon at may letrang ‘C’ sa kanyang apelyido.