WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Cariaso sinibak ng FiberXers

HINDI pumasa sa pamunuan ng Converge FiberXers ang performance ni head coach Jeffrey Cariaso sa 2022 PBA Philippine Cup, kung kaya naman umano, sinibak na agad ang nasabing mentor.

Ayon sa report, masyadong mababa para sa average performance ang ipinakita ni Cariaso sa kanyang stint sa Converge.

Nailagay ni Cariaso sa ikapitong pwesto ang FiberXers na may tangan na 5-6 win-loss record sapat para makasampa sa quarterfinals.

Gayunman, sinalya agad sila ng may hawak na twice-to-beat advantage at No. 2 sa eliminasyon na TNT Tropang Giga,116-95 noong Hulyo 27.

Bago pa man umano masibak si Cariaso ay naghahanap na ang management ng makakapalit nito bilang head coach, ayon pa rin sa report. (Annie Abad)