WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Briones talupan sa P9.5B classroom fund

Umapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte na suriin ang pagkabigo ng nakaraang liderato ni dating Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) na ipaayos ang libo-libong silid-aralan nakaraang taon kahit na mayroon itong P9.5 bilyon pondo.

Sinabi ni Villafuerte na dapat mabigyan ng pansin ang mababang accomplishment rate ng DepEd sa Basic Education Facilities Fund (BEFF) na pinuna ng Commission on Audit (COA).

Batay sa ulat ng COA, sinabi ni Villafuerte na halos 9,000 silid-aralan ang hindi naipaayos at nalagyan ng mga upuan at lamesa kahit may pondo ang DepEd.

“Considering her solid record as a down-to-earth local chief executive when she was mayor of Davao City, I am sure Vice President and Secretary Inday Sara will not let this setback slide,” sabi pa ni Villafuerte.

Ayon sa COA, 2,689 o 23.45% lamang ng 11,468 silid-aralan na nabigyan ng pondo para maipagawa ang napaayos noong nakaraang taon.

“It was apparently a matter of low absorptive capacity and not a funding issue given that nearly 80% of the repair budget had been obligated to the DepEd last year,” dagdag pa ni Villafuerte.

Hanggang noong Disyembre 31, 2021, sinabi ng COA report na umabot sa P7.483 bilyon o 79.04% ng BEFF budget ang naiobliga na.

Sa Camarines Sur, sinabi ni Villafuerte na 1,405 silid-aralan sa 296 eskuwelahan ang nilaanan ng P451.66 milyong pondo mula sa BEFF subalit hindi naipagawa dahil hindi naibaba ang pondo.

Bukod sa BEFF, mayroon din umanong pondo para sa pagpapagawa ng mga silid-aralan mula sa quick res¬ponse fund. (Billy Begas)