WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Bagong aktor

GOOD day mga ka-Depensa at ka-Sarado. Tumitindi ang init, asar, galit at poot sa mga pahayag ni Coach Chot Reyes na hindi importante ang panalo ng Gilas dahil pasok na tayo sa 2023 FIBA window qualifiers.

May mga bagong mukha sa “CHOTSERYE”, tumulong na rin si Coach Tim Cone ng Ginebra. Kasama daw siya sa bubuo ng Gilas Pilipinas lineup. Lalaro din daw ang NBA player na si Jordan Clarkson.

Madami na namang tanong ang ating netizens sa ganyang galawan, kadalasang tanong, bakit pa tutulungan si Coach Chot kung wala namang intensiyong manalo?

Makikinig naman kaya si Pareng Chot sa mga suhestiyon at palagay ni Coach Tim?

Willing bang masisi si Coach Tim at Clarkson kapag pumalpak ang kampanya ng Gilas sa FIBA?

Bakit takot ang SBP at si Al Panlilio palitan si Pareng Chot as Gilas head coach? Ano ba ang hawak ni Coach Chot sa kanila? Ang sagot ng isang henyo sa basketball ay walang iba kung hindi utang na loob. Mukhang nagbabayad sila kay Pareng Chot, ‘yan ang puna ng ating mga henyo sa laro.

‘Ika nga ni pareng Gerry Esplana, may paborito siyang binabanggit sa ating mga NETIZEN na mahilig sa “Conspiracy Theory” na mukhang si Pareng Chot ang naglagay sa kanila sa pwesto under MVP Group kaya untouchable si Coach Chot.

Sa aking palagay kung totoo man ‘yan, wala akong nakikitang problema as long as competent ka, nagagawa mo trabaho mo at nagbibigay ka ng resulta. Ayos ‘yan.

Pero sa itsura ng sitwasyon ni “CHOTSERYE, malalim na ang galit ng netizens sa Gilas Pilipinas team. Wala ka nang magagawang tama, kada kibot may puna at sita na.

Haluan natin ng dasal at swerte baka mapihit pa ni Coach Chot ang sitwasyon ng Gilas na magkaroon ng respectable finish sa mga window qualifiers.

Magtiwala sana si Coach Chot sa mga komento ng ating kababayan at mga henyo sa basketball. Good luck sa mga darating na araw.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on