WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Aribado, squash balik sa RMSC

MATUTUPAD na rin ang matagal na kahilingan ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jemyca Aribado at ng buong national squash team na magamit ang matagal na nabinbing sports facility sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex dulot ng COVID-19 pandemic.

“HOME! Visit with mi familia (insert de padre de familia, Robert Bachmann) Konti nalang di na kami magiging palaboys and palagirls,” pahayag ng mixed team champion sa kanyang Facebook post kahapon.

Nananatiling nagsasanay sa iba’t ibang training facility ang “Kayod Pilipinas” national team partikular na isang pasilidad sa Muntinlupa, habang dating ginagamit nitong ensayuhan ang isang pwesto sa Manila Polo Club sa Makati.

Umaasa naman si Squash President Robert Bachmann na magagamit na ang naturang pasilidad sa tapat ng Ninoy Aquino Stadium.

“Looks like it will be done this week. Not sure if we have to wait for the new PSC Board to assume office. Hopefully not,” saad ni Bachman sa panayam ng Abante Sports.

Dapat ay gagamitin ang naturang pasilidad sa hosting ng bansa noong 2019 SEA Games.

“The facility didn’t make it in time for the 2019 SEA Games. The pandemic further delayed its completion,” sambit ni Bachmann.

Hindi man pinalad na mapasama sa listahan ng mga sports event sa ginanap na SEA Games sa Hanoi, Vietnam at maaaring manatiling wala sa darating na 32nd edisyon sa Phnom Penh, Cambodia sa susunod na taon, patuloy pa ring abala ang national squad sa paghahanda sa ilang mga international tournament. (Gerard Arce)