WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Ardina asinta pang-2 korona

SUMABLAY sa nakaraang limang yugto, pupuntiryahin sa pang-anim na pagakakataon ni Dottie Ardina ang pangalawang kampeonato sa 17th Epson Tour 2022 Leg 15 $200K (P11.1M) 11th Four Winds Invitational sa South Bend Country Club sa South Bend, Indiana sa Agosto 12-14.

Pagkamayagpag sa ET Leg 5 $200K 3rd Copper Rock Championship noong Abril sa Utah, tumapos ang Pinay parbuster na pinapadrinuhan ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) sa pang-45-28-44-38-33 sa sumunod na mga bahaging sinabakan.

Makakasama niyang kakampanya ang kakuwadra sa ICTSI ni Don Enrique Anselmo Razon Jr., si Pauline Beatriz Del Rosario.

Ang isa pang bet ng ‘Pinas sa 54-hole, 3-day event ay si US-based Clarissmon ‘Clariss’ Guce. (Ramil Cruz)