WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Abne tigasin vs Bacolod

NANAIG ang werpa ni flyweight April Jay Abne sa laban niya kontra Christian Bacolod nitong nakaraang Linggo sa Sibonga, Cebu.

Kineri ni tubong Manticao, Misamis Oriental fighter Abne ang magandang depensa at performance dahil naharangan niya ang mga suntok ni ‘Chiquito’ Bacolod tungo sa panalo via unanimous decision sa kanilang 10-round non-title bout.

Itinuring namang hindi matatawarang karanasan para kay 23-anyos Abne ang kanyang pagkakapanalo.

Hawak ni Abne ang 10-1 panalo-talo baraha na may limang knockouts habang ang yumukong 27-anyos na si Bacolod ay nadungisan sa ikalawa niyang talo sa loob ng 16 na bakbakan. (Aivan Episcope)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on