WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

2 Pinoy da best na Airbnb host

Kabilang ang dalawang Pinoy sa listahan ng 12 best host under the age of 30 ng Airbnb, para sa Asia Pacific region.

Sa kabila ng kanilang edad, napatunayan nina Dwyane Yra Dinglasan, 23-anyos, at Deo Dia, 26, na kering-keri nilang maging host ng Airbnb vacation home.

Inilabas ang listahan base sa nakuha nitong average rating na 4.9 sa Airbnb mula sa mahigit 4,300 guest na nag-check in. Kaugnay din ito ng pagdiriwang ng International Youth Day sa Agosto 12.

Sa mura niyang edad ay si Dinglasan na ang namahala sa vacation home ng kanilang pamilya sa Nasugbu, Batangas. Ito ay ang Tali Vacation Home na apat na taon na sa Airbnb.

Very unique nga ang style ng tahanang ito dahil hango sa Spanish colonial home. Tampok din dito ang seaside at sunset views.

“I realized there was an interest in beach home vacations, and in 2018, my family and I decided to open up our vacation home on Air­bnb for extra income,” ani Dinglasan sa pahayag ng American company.

Si Deo naman ang host ng guest house sa Tagaytay na hindi lang umano nagbibigay sa kanya ng economic empowerement kundi na rin pagkakataon na makonekta sa ibang tao.

“When my dad passed away, he left me with a vacation house which I barely got to use. To help me financially with its recurring maintenance costs, I decided to share this special place with others through the help of Airbnb,” kuwento ni Deo.

“A new world of opportunities has been unlocked for the younger generation through their access to and adeptness with modern technology. We are seeing more young Filipinos discovering Airbnb and sharing about it with their families and friends,” pahayag ni Amanpreet Bajaj, ang general manager ng Airbnb para sa Southeast Asia, India, Hong Kong at Taiwan. (MJ Osinsao)