WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Techinician tiklo sa P3.4M ‘bato’

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 39-anyos na technician matapos itong makumpiskahan ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang suspek na si Rudy Ancheta, 39, ng Litex Road, 454, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Batay sa ulat, dinampot ang suspek ng mga tauhan ng PDEA RO-NCR QCDP at Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang buy-bust operation sa kanilang tahanan bandang alas-otso ng gabi.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na gawain ng suspek. Nakumpiska mula sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu, marked money at isang cellphone.

Ayon kay PDEA QCDP district office IA Cham Sulit, dati na ring nakulong si Ancheta sa kasong gun running at umamin din itong gumagamit ng droga.

Suma-sideline din umano itong runner ng shabu kapalit ng P300. Sasampahan ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. (Dolly Cabreza)