WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Shabu buking sa clearing operation

Sa halip na basura, shabu ang nabistong nakasiksik sa mga ilegal na istrakturang giniba ng mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) sa isinagawa nilang clearing operation sa Caloocan City noong Linggo.

Ayon kay PSTMD chief Jojo Garcia, tatlong maliliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang ilegal na droga ang bumulaga sa kanila habang isinasagawa ang clearing operation sa mga ilegal na istraktura sa kahabaan ng Torcillo St., Barangay 28.

Hinala niya, ginagawang batakan ng mga drug user ang lugar.
Isinurender ang nabistong shabu sa mga opisyal ng barangay para ang mga ito ang mag-turn over sa pulisya. (Orly Barcala)