WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Secretary petmalu

Waging walang kahirap-hirap si Secretary sa 2022 Philracom (Philippine Racing Commission) 2-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Linggo ng hapon.

Sinakyan ni star jockey Jeffril Zarate, nagtala siya ng 1:29.8 clocking sa 1,400-meter race upang sikwatin ang P600K premyo ng nagmamay-ari sa kanya.

“Sinigurado ko lang na maganda ang talon ng kabayo ko para ma-relax ko siya. Sa ultimo kwarto pinitik ko na, nag-response naman at lumayo na kami,” kuwento ng hinete.

Pumangalawa si Jaguar na kinubra ang P225K habang napunta ang P125K kay Love Radio na tumersera at ang P50K kay Malibu Bell na pumang-apat.

Ang event ayon kay Philracom Chairman Aurelio De Leon, ay pagkilala kay dating Philracom chairman, Amb. Antonio Manuel Lagdameo Sr. na permanent representative ng Pilipinas sa United Nations. (Elech Dawa)