WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Reyes sinupalpal ng Thailand coach

BARADO ang pahayag ni Gilas Pilipinas coach Vincent “Chot” Reyes na hindi kailangan ng pambansang koponan na manalo sa darating na laban nito kontra sa nagpapakitang-husay na Lebanon sa nalalapit na ikaapat na window ng ginaganap na FIBA Asia Cup Qualifiers.

“The goal is to win every game. Winning breeds winning. Build a culture based on wiinning,” post ng Amerikanong coach na si Chris Daleo, na dating head coach ng dalawang beses nag-uwi ng medalyang pilak sa Southeast Asian Games na Thailand National Team at 5-time champion sa Hi Tech Ball Club sa Estados Unidos.

Ipinost mismo ni Daleo ang kanyang reaksiyon sa social media account habang nasa itaas ang naging pahayag ni Reyes ukol sa binubuo nitong Gilas.

“We don’t need to win that match against Lebanon. The game will be good for the image of the Philippine National Team and my opponents, but not necessary for our national team’s goal,” sabi ni Reyes.

Iginiit ni Reyes na nananatili ang kanilang atensiyon sa pagbubuo ng pinakamahusay na koponan na posible para sa 2023 World Cup kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa ibang coaching staff Sabado, Agosto 6.

Nakipagpulong si Reyes sa kanyang coaching staff na kabilang ang multi-titled na si Ginebra coach Tim Cone, UP champion coach Goldwyn Monteverde, Meralco consultant Nenad Vucinic at long time national team assistants Jong Uichico at Josh Reyes, para pag-usapan ang plano para sa lineup ng Gilas para sa ikaapat na window. (Lito Oredo)