WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Obiena sasabak sa Hungary meet

PILIT na pananatilihin ni Asian record holder at Tokyo Olympian Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang pagiging world ranked No. 3 sa pagpapapatuloy ng pagsabak nito sa iba’t ibang sanctioned na torneo kabilang na ang isasagawa ngayon na 2022 Wanda Diamond League sa Székesfehérvár, Hungary.

“It’s been fun splashing around in @memorial_kamili_skolimowskiej,” sabi ng 25-anyos na si Obiena, na katatapos lamang magwagi ng tansong medalya sa pag-okupa sa ikatlong pwesto sa Silesia leg ng 2022 Wanda Diamond League nitong Sabado.

“Tomorrow we’re back again and talking flight in the skies of Székesfehérvár, Hungary,” sabi ni Obiena, na sariwa pa rin sa pagwawagi ng tansong medalya sa World Athletics Championships na ginanap sa Eugene, Oregon, upang angkinin ang kasaysayan bilang unang Filipino na nakapagwagi sa prestihiyosong torneo.

Idinagdag din ni Obiena sa pagtatala ng kasaysayan ng bansa ang kanyang pagsungkit sa bagong Asian record at personal best nito na 5.94 metro.

Huling itinala ni Obiena sa pagwawagi ng tanso ang nalampasan na taas na 5.73 meters.

Ang susunod na leg ng Diamond League ay gaganapin Miyerkoles, Agosto 10, sa Monaco. (Lito Oredo)