WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Mga tigasing bebot tutumbok sa 10-Ball

INAASAHANG dadagsain ng mga tigasing babaeng billiards players ang pagbabalik ng Predator World Women’s 10-Ball Championship na nakatakdang sumargo sa September 6 hanggang 10 sa Klagenfurt, Auatria.

May 64-player field, double-elimination tournament, may prize fund na $148,000 ang nasabing event na pinagkampeonan ni Pinay cue artist Rubilen Amit nang talunin si Great Britain bet Kelly Fisher sa 2013 World Championship na ginanap sa Pilipinas.

Ayon kay Austrian cue master Jasmin Ouschan, masaya siya at excited dahil sa kanilang bansa gaganapin ang torneo.

“I really like the current schedule because there are so many events,” saad ng magandang si Ouschan. “I’m super excited and I really can’t wait for the World 10-Ball to happen again. And seeing that it’s happening in Austria, that’s doubly special to me.”

Tumumbok si Ouschan sa World Women’s 9-Ball Championship na ginanap sa China noong December 2019 bago pumutok ang COVID-19, yumuko siya kay Fisher sa finals. (Elech Dawa)