WebClick Tracer

Saturday, October 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Malungkot, mahirap’ Vice Ganda mabigat ang problema

Naging emosyonal ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda. Idinaan niya ito sa Instagram, kung saan pinost niya ang mismong voice recording niya.

Na sa kabila pala ng tila masaya, mala-almost perfect na buhay niya at ng relasyon nila ni Ion Perez, may mga pinagdadaanan o pinagdaanan din ito nitong mga nakaraang buwan.

Aniya, “The past few months have not been easy. In fact, they’ve been really difficult. Ang daming nangyari sa buhay ko. May magagaan, may mabibigat. May mga masasaya, may mga malulungkot. May mga winning moments at may mga humbling moments.

“Sa mga pinagdadaanan ko, ilan lang diyan ang nakita niyo at talagang alam niyo. It was exhausting, really exhausting.”

Nagpasalamat si Vice dahil kahit daw may mga pinagdaanan siya, ang dami niyang nakukuhang suporta at pagmamahal, lalo na sa mga supporter niya.

Sabi pa rin niya, “Pero araw-araw, nakakatanggap ako ng sobra-sobrang pagmamahal at suporta mula sa inyo.

“And I know, napakarami sa inyo ang nagdadasal para sa kalusugan ko at sa kaligayahan ko. At ‘yun ang nagpapanumbalik ng sigla ko. Kaya araw-araw, anuman ang pinagdadaanan, excited ako laging gumising kasi sigurado ako, nandyan kayo at gigil na gigil ako laging pasayahin kayo.

“Kaya ngayon, bago ako matulog, I just want to say thank you very much and I love you Madlang People. Most especially to you, my Little Ponies.”

Dahil sa IG post na ito ni Vice, sunod-sunod naman ang mga nag-comment sa kanya at nagpaabot ng kanilang suporta.

Ayon kay Iza Calzado, “Sending love and healing light!” Gayundin si Ruffa Gutierrez, saying na, “Sending love, Vicey!!”

Si Angeline Quinto naman, “I love you very much our Tutoy.”

Sabi naman ni Korina Sanchez kay Vice, “Anuman yan, oo siguro mahirap. Pero kaya mo yan.” (Rose Garcia)