WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Luka susunugin sebo sa katawan

Si Luka Doncic, sa edad na 23, ay isa na sa mga premyadong manlalaro sa mundo na kabilang sa First Team All-NBA player sa ikatlong pagkakataon kasama ang nakaraang season at pinakamahusay na pick-and-roll ball handler sa liga.

Ang tanging naging alalahanin ni Doncic, pambato ng Dallas Mavericks, ay ang kanyang katawan na tila lumaki at medyo mataba bilang forward, kung kaya naman agad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga Slovenian trainer na si Anze Macek upang magpakondisyon, ilang buwan pa bago ang 2022-2023 season ng NBA.

“Shortly after the end of the season he contacted me and said that he wanted to start fitness training immediately. Together with Goran Dragic, they worked for three weeks,” pahayag ni Macek.

“The national team action followed. When he went on vacation, he asked me for a work plan,” kwento pa ng trainer ni Doncic.

Kaya naman ngayon kung makikita si Doncic sa kanyang mga larawan sa social media, pumayat nang bahagya at gumanda ang kanyang hugis, kung saan mas makikitang kondisyon na ngayon ang 6’7 na player.

“He remains active. I am in contact with him on a daily basis. He keeps his shape. He will improve everything during the national team practices where he will prepare with maximum effort,” ayon pa sa trainer.

Sa ngayon ay magtutuon ng pansin si Doncic sa kanyang paghahanda para sa susunod na NBA season, para makabawi sa Western Conference Finals loss sa eventual champs Golden State Warriors. (Annie Abad)