WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Lee ‘supot’ mga putok

Mga laro bukas: (Araneta Coliseum)
3:00pm — SMB vs Meralco
6:00pm — TNT vs Magnolia
(*Beermen, Tropa angat 2-1)

ANEMIC ang shooting ni Magnolia veteran guard Paul Lee sa PBA Philippine Cup semifinals series kontra TNT.

Sa 93-92 loss ng Hotshots sa Game 3 nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, 2 of 11 lang mula sa field ang ‘Lee-thal Weapon’.

Isa sa dahilan ay nauubos ang ‘Angas ng Tundo’ sa kabubuntot kay RR Pogoy sa depensa.

Napigili din ni Lee ang Tropang Giga gunner sa 2 of 10 shooting sa huling laro, pero abante sa series ang TNT 2-1 dahil sa game-winning 3 ng isa pang beteranong si Jayson Castro nitong Linggo.

“‘Yun ang maitutulong ko sa series na ‘to, ‘yung depensa,” ani Lee. “First game pumutok si RR, sobrang ganda ng game niya so chinallenge kami ng coaches and I think ‘yun ‘yung kailangang maitulong ko ngayon.”

Pipiliting itabla ng Magnolia ang series sa Game 4 sa Miyerkoles sa Big Dome din. (Vladi Eduarte)