WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Kiefer, Shiga aprub sa 3-taong kontrata

PORMAL nang inanunsiyo ng Shiga Lakesstars kahapon na maglalaro muli sa kanila ang dating Ateneo King Eagle na si Kiefer Ravena.

Inalok ng Japan B.League si 28-year-old point guard Ravena ng three-year deal at tinanggap naman ito ng Pinoy cager.

Impresibo ang unang season ni Ravena sa Shiga kaya hindi nagdalawang-isip ang koponan na tapikin muli ang kanyang serbisyo.

“I’m excited to be back and play for you guys once again! This will be a great season for us,” saad ni Ravena.

Nagrehistro si Ravena ng 13.2 points per game sa 35-percent shooting kasama ang 5.9 assists, 2.5 rebounds at 1.5 steals sa 56 games na may 27 minutes average na paglalaro.

Bilib ang Lakes kay Ravena kaya muli siyang kinuha kahit hindi maganda ang kanilang tinapos sa 2021-2022 season kung saan ay nakapagtala lamang sila ng 14-43 win-loss record. (Elech Dawa)